Kwento mo! Kwento ko! Kwentong SYOKOY to!

…………….

Winx Club

Photobucket

Iba talaga pag buo ang barkada, masaya at syempre di mawawala ang biruan. Noong nasa Tarlac sila Denz at King parang nagkaroon ng kulang… syempre nawalan kami ng barkadang malakas magbiro heheheh (yun lang!). Nang mga oras na wala silang dalawa naging masaya naman yung bawat gabi na lumipas na kaming tatlo lang nila JhayR , Dilan at ako, nagkaroon kami ng pagkakataong gawin ang mga bagay na lumipas na noong kabataan pa namin gaya ng larong “10-20 at luksong lubid”. Noong mga unang gabi na ginawa namin yun nila Dilan at JhayR akalain nyo bang pa namin yung mga bata na sobrang enjoy sa paglalaro hehehe…. syempre kasunod nun? sakit ng binti. JhayR kampante lang sa kakatalon, sabagay may advantages naman kasi kay JhayR yung laro namin, sa payat at tangkad ba naman eh kayang kaya niyang dalhin yung sarili niya mala-sigben kung lumundag. Si Dilan naman ramdam na ramdam sa sarili ang ginagawa nya basta lundag lang hanggat kaya niya, at ako naman wala pa rin pinagbago tulad pa rin nung bata pa kami lagi paring nahuhuli sa laro. Kahit na nawala sila Denz at King ng ilang araw naging masaya pa rin kami at syempre advantage sa akin yung wala si Denz kasi walang mang aasar sa akin hehehheh joke lang!

Marso 3, 2008 - Ipinaskil ni aserongsirena | Uncategorized | | No Comments Yet

Walang puna.

Mag-iwan ng puna