Kwento mo! Kwento ko! Kwentong SYOKOY to!

…………….

Masayang Gabi

Photobucket
Binabalot na ng dilim ang buong paligid, bagamat gabi na’y tila di nababawasan ang mga tao na nagdaraan sa buong looban. Sari-saring boses ang maririnig; mga batang nagtatakbuhan, mga tambay na naghihiyawan at mga aleng walang humpay sa kakabalita tungkol sa buhay ng iba. Habang nagtutumpukan kami magbarkada,”Nomo tayo mamaya ha”wika nya. “Aba! mukhang may anda tayo ngayon ah” patanong na ganti ni JhayR, di katagalan habang naghahanda sila para sa magaganap na inuman, ” Uwi muna ako ha, ligo lang ako ” paalam kong wika sa kanila. Nang makauwi na ako sa bahay namataan ako ng aking ina ” Hoy! Jayze! bago ka maglakwatsa labhan mo muna yung mga damit mo maghati tayo sa labahan ngayon! ” wika ng mainiting ulo ng aking ina. Habang iniipon ko ang tubig na gagamitin ko sa paglalaba nakaramdam ako ng pagkainip wari’y di makapag antay sa salo-salong inuman namin magbarkada. Hindi namn nagtagal ang aking paglalaba halong isang oras din na nagkukusot ang aking mga kamay sa mabulang palanggana. Maya – maya ay binanlawan ko na ang mga nalabhan na damit, tila buhos ang lahat ng aking lakas para lang mapiga ng maayos anong mga madudulas at masasabon pang mga damit. Halos tapos na ang aking trabaho, dali – dali kong hinanda ang aking panligo at nang makapag igib na ako agad akong tumungo sa banyo. Malamig ang tubig na pawang nanunuot buong kalamanan ko. Ilang sandali pa’y natapos rin ang aking paliligo agad akong nagbihis at nag aayos. Batid kong handa na ako para magaganap na inuman tumungo ako sa tamabayan at dun naabutan ko sina JhayR at Denz. ” Diyan ka muna Jayze ha may pupuntahan lang kami ” paalis na wika ni JhayR kasama di Denz. Di katagalan ay sumunod ako sa kanila naalala kong may kukunin pa akong gamit dun sa kabarkada kong nag aayos ng cellphone sa isa sa mga malls dito sa amin. Hindi rin ako nagtagal sa mall at nang makuha ko na ang aking pakay ay dumiretso na ako sa tambayan. Naroon na silang lahat nang, ” Hoy! nagtext ako sayo ah! sabi ko yung pitsel at yung baso dalhin mo! ” wika ni Denz, agad kong kinuha yung pitsel at baso. Bumalik ako dala-dala ang hinihingi nila nang masalubong ko si Jaypee ( ang taong napalit sa akin kahit nung unang araw pa lang ng aming pagkakakilala ), ” Jayze inuman kayo???” salubong na tanong sa akin ni Jaypee, ” Ewan ko kina Dilan… siguro ” sagot ko sa kanya. Nang makapasok na ako sa kwartong tinatambayan namin magbarkada, “Jayze salinan mo na ng tubig yung pitsel ” pautos na wika ni Dilan, dali-dali kong sinalinan ang pitsel at saka pumasok sa kwarto. Habang abala sa pagtitimpla si Dilan ng aming iinumin ay bahagyang nakabukas ang pinto na tila anumang oras ay may bigla sisilip at papasok para makisali sa maliit na inuman na aming gaganapin. Tapos nang maghalo si Dilan….di ko napansin na nasa pintuan si Jaypee wari’y nagbabadyang papasanpa’t makikiinom din. Pumasok si Jaypee na parang kabilang sa inuman pero hinayaan nalang namin para medyo magkaroon naman kami ng bagong kakwentuhan. ” Dilan di ba may nakaraan kayo ni Jaypee??? ” paasar na tanong ni Denz, ” Ah ewan ko sayo Denz! wala kaming nakaraan noh! kunwari lang yun para pagselosin yung mahal ko ” sagot ni Dilan. ” Asus! tatanggi ka pa! huli ka na nga ehh kaya mo nga siya hiniwalayan diba kasi nahuhulog na yung loob mo sa kanya! “patuloy na pang aasar ni Denz, ” Ay hindi kaya! wag kayong maniniwala diyan kay Denz! sige Denz ituloy mo at aalis ako! sige lang aalis talaga ako! “pabantang sagot ni Dilan na tila pikon na sa mga sinasabi ni Denz. Saglit na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Nagubad si Denz ng suot na t-shirt “ang init naman! Jaypee payakap ha! ” lambing na wika ni Denz, “Uy! Denz wag kang ganyan may magseselos!”babala na wika ni Dilan. ” Ok lang yun Dilan kahit naman nung kagabi pa mang aagaw na yan ehh! hehehe!!! Joke! ” pabirong pasok na wika ni Jayze. Matapos ang mala love triangle na biruan namin ay nauwi ang lahat sa kantahan at biritan. Tahimik lang kaming dalawa na Jaypee, habang pinagmamasdan ang mga kasama naming halos n mapatid na ang ugat sa kakabirit ng kanta. Halos wala nang laman ang pitsel, tira-tirang yelo nalang ang naiwan, nauna nang lumabas si Jaypee ” Uwi muna ako ha! ” wika nya sa amin, ” Ay nako Jaypee di ka na babalik ” wari’y pinipigilan si Jaypee ni Denz, ” babalik ako promis ” sagot naman ni Jaypee. Hindi pa rin nakakabalik si Jaypee at wala na rin kaming maiinom, nagpasya kaming lumabas na sa kwarto at dumiretso kami sa labas ng bahay upang doon kami magkatuwaan, para kaming bata nila Dilan at Denz nag naglalaro ng streetfighter at syempre kunyari ako si Ryu, si Denz naman si Chun Li at si Dilan ay si Storm daw!!!! streetfighter ba nyun???? hehhehe at yun ang isa sa masasayang gabi nag nagiinuman kami magbarkada, sayang nga lang wala si King.

Marso 3, 2008 - Ipinaskil ni aserongsirena | Uncategorized | | No Comments Yet

Walang puna.

Mag-iwan ng puna